Naka-feature

ASTER

Jackson Lee Walang kilala si Henry sa kanyang mga kasama, subalit bilang kilalang mga aktibista sa pamantasang pinapasukan niya, nanin...

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Romance. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Romance. Ipakita ang lahat ng mga post

“DITO KA LANG”

Ni Noriedo Basa


Alam kong mabigat ang ‘yong dala
At ang isipa’y nababagabag
Nalilito kung pa’no dadalhin
Malapit nang mahulog sa bangin

Ipapangako sayo ngayon
Hindi ka hahayaang malugbmok
Sa sulok na kinamkam ng dilim
Kaibigan sana’y iyong dinig

Dito
Dito ka lang
Dito
Dito ka lang

Pinagdududahan ang halaga
Akala mo siguro ay wala
Hindi mo lang alam o kapatid
Na ang tingin sayo ay magiting

Dito
Dito ka lang
Dito
Dito ka lang
Sa mundo na kailangan
Ang iyong ningning
Dito
Dito ka lang

Kung maisipan mon a mawala
Hinding-hindi ko ‘yon makakaya
Ikaw ay aking aalagaan
Dumanas man ng libo pang ulan

Dito
Dito ka lang
Dito
Dito ka lang
Sa mundo na kailangan
Ang iyong ningning
Dito
Dito ka lang



                                                               

“Ilam Alap”



                                                            Ni: Sophie Kate Connelly Pascua


Nag umpisa ang lahat sa simpleng “hi” at “hello” 
Hanggang sa napunta sa tawagan ng “by” 
Hindi na maalis ang mga mata sa telepono
Ikaw ang kausap mapa umaga,tanghali o gabi 

Pinaikot ko ang mundo ko sayo
Na bawat oras bawat minuto, tayo ang nasa isip ko.
Ngunit nag sawa at nag-laho nalang bigla. 

Mali pala.

Maling itulad ko ang relasyon naten sa relasyon ko noon.
Mali pala na mas minahal kita tulad ng pagmamahal ko sa ex ko noon.
Mali pala 

Pero alam mo kung anong mas mali?

Yung tumulad ka sa kanila. 
Sabi mo iba ka, sabi mo orihinal ka. 
Pero bakit inulit mo? bakit nireplika mo?
Alam mong mali pero bakit ginaya mo?