Ni: Sophie Kate Connelly Pascua
Nag umpisa ang lahat sa
simpleng “hi” at “hello”
Hanggang sa napunta sa
tawagan ng “by”
Hindi na maalis ang mga
mata sa telepono
Ikaw ang kausap mapa
umaga,tanghali o gabi
Pinaikot ko ang mundo ko
sayo
Na bawat oras bawat
minuto, tayo ang nasa isip ko.
Ngunit nag sawa at
nag-laho nalang bigla.
Mali pala.
Maling itulad ko ang
relasyon naten sa relasyon ko noon.
Mali pala na mas minahal
kita tulad ng pagmamahal ko sa ex ko noon.
Mali pala
Pero alam mo kung anong
mas mali?
Yung tumulad ka sa
kanila.
Sabi mo iba ka, sabi mo
orihinal ka.
Pero bakit inulit mo?
bakit nireplika mo?
Alam mong mali pero
bakit ginaya mo?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento