Ni Mariz Alliah Peñaflor
Ibinaba n’ya ang kanyang kamay
Sa lupang pagkarumi-rumi
Tapos, buong lakas na binuhat ang sarili
At umupo sa kanyang tabi.
Wala man lang panlulumo
Ni hindi siya yumuko
Habang ang iba ay abalang bumubulong
Kung awa o panghanga, hindi ko sigurado.
Pinagpag n’ya ang kanyang kamay
Tapos, inabot ang hawakan ng jeep.
At sa bawat preno at
pag-usad,
lalong humihigpit ang kanyang
kapit.
Ano kaya ang nasa isip n’ya?
O mahalaga pa ba ang sasabihin ng
iba?
Hindi naman nasusukat ng kanilang mga
mata
ang iyong tunay na halaga.
Kasi may dahilan ang buhay natin sa mundo
Isang bagay na hinahanap at hindi
isinusuko
Sana nakita mo, at sana nasabi ko
man lang sa’yo
Para malaman mong ikaw ay
perpekto.
Huwag ka na ulit susuko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento