Ni Mariz Alliah K. Peñaflor
Tumingin ako sa
aking relo.
Alas-onse na pala
ng gabi. Kagaya ng dati halos nangangalahati pa lamang ang aking araw
samantalang malapit nang sumapit ang umaga. Halos hindi ko na masalat ang likod
ng aking computer sa sobrang init nito. Tapatan ko kaya ng electric fan?
Tama. Binuksan ko
ang isa pang electric fan. Hindi ko naman kasi maaaring iharap sa computer yung
electric fan na gamit ko dahil sobrang init sa kwarto ko.
Kung meron lang
sana kaming air con. Ang kuripot kasi nina mama at papa, samantalang kayang-kaya
naman nilang bumili ng air con kahit ilan pa.
Hay, kailan ba
kasi matatapos tong thesis na to. Isang buwan ko na yata itong pinagkakapuyatan.
Ilang bumbilya na din ang naipalit sa kwarto ko dahil laging nag-sho-short
circuit. Hindi ko naman pwedeng patayin habang nagco-computer ako dahil masama
naman sa kalusugan ang sobrang radiation. Ano ba kasing meron sa linya ng
kuryente?
Aandap-andap na naman
ang ilaw. Hay, mukhang alam ko na to. Sige na nga magpahinga ka muna, naibulong
ko na lamang sa sarili ko.
Pinatay ko ang
ilaw sa pangambang magshort circuit nanaman. Noong isang gabi lang kasi ay may
nasunugan sa aming barangay. Ayaw ko namang mag-Pasko sa kalsada.
Hay, kailan ba
kasi matatapos ang thesis na to. Kanina lang, napanood ko sa TV na magkakaroon
ng isang oras na malawakang pagpatay ng ilaw sa buong mundo, sa ganap na alas-dies
ng gabi, para makatulong ng kahit kaunti
sa kalikasan, pero heto pa rin ako bukas lahat ng may elektrisidad. Ilang porsiyento
kaya ang tulad ko, na hindi nakikiisa? Sana hindi naman umabot sa limampung porsiyento,
kung hindi, wala pa lang saysay ang adbokasiyang ito dahil hindi lahat ay handang
sumuporta.
Ang hirap na
kasi mabuhay sa panahong ito ng walang kuryente, pero hanggang kalian kaya tayo
mabubuhay sa mundo kung hindi natin aayusin ang paggamit dito?
Nakakatakot rin
palang isipin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento