Naka-feature

ASTER

Jackson Lee Walang kilala si Henry sa kanyang mga kasama, subalit bilang kilalang mga aktibista sa pamantasang pinapasukan niya, nanin...

“OTW”

 Ni: Sophie Kate Connelly Pascua

            “Asan na kayo?” sabi ng president ng aming klase. “otw na” tugon ko sa group chat, ngunit ayaw mag send ng mensahe ko marahil sa lakas ng ulan. May bagyo kasing paparating pero ngayon ang general rehearsal ng aming play na gagawin sa susunod na lingo. 
            Beep! Beep!

            “Teka lang!” ng makita kong paalis na sila. “Huy! Teka lang!”. Hindi nila ako marahil naririnig, deredertso lang sila hanggang sa makasakay na sila ng jeep. “sunod nalang ako” pero hindi parin nag sesend ang messages ko. Kanina parin ako para ng para sa mga nagdadaang jeep pero walang tumitigil.  
            “Asan na kayo?” sabi ng president ng aming klase. “otw na” tugon ko sa group chat, ngunit ayaw mag send ng mensahe ko marahil sa lakas ng ulan. May bagyo kasing paparating pero ngayon ang general rehearsal ng aming play na gagawin sa susunod na lingo. 
            Beep! Beep! Malakas na busina ng isang kotse kasunod nito ang mga taong nakaputi at iyak ng iyak. Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay ang malakas na pag iyak ng dalawang taong sobrang pamilyar sa akin. Hawak ang aking larawan habang sila’y naglalakad. 
            “Ma? Pa?” 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento