Naka-feature

ASTER

Jackson Lee Walang kilala si Henry sa kanyang mga kasama, subalit bilang kilalang mga aktibista sa pamantasang pinapasukan niya, nanin...

Kaliwa, Kanan

Ni Rawsas

 

 

"Kaliwa, kanan... kaliwa."

Sa tuwing sasapit ng dilim, susunggaban ka ng mga demonyo.

"Kanan, kaliwa... kanan."

Na tila ba bulong nang bulong sa tuwing di ka nakatingin at sasabihin sayo...

 "Kaliwa, kanan... kaliwa."

Makinig ka sa kanilang lahat.

 "Kanan, kaliwa...kanan."

Pero 'wag kang haharap.

"Kaliwa, kanan...kaliwa."

Dahil imbes na ikaw, sila ang biktima.

 "Kanan, kaliwa... kanan."

Pagbibintangan ka ng mga hayop na "api" na paulit-ulit na magsasabi,

"Kaliwa, kanan... kaliwa."

Paulit-ulit kang babaliktarin.

 "Kanan, kaliwa... kanan."

At hinding-hindi sila aamin. Bagkus, ikaw pa ang sisisihin.

"Kaliwa, kanan... kaliwa."

"Oo. Kaliwa, kanan... saliwa."

Parang kayo.

 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento